Monday, July 2, 2012

Application for YSAGE 2nd NCR ECHO CAMP 2012

LATE POST!


Akala ko sa buong stay ko as intern ay in-house lang ako, pero hindi pala. Meron kasi silang isang youth organization, na kug tawagan ay YSAGE- Youth and Students Advancing Gender Equality na under din ng CATW-AP. Taun-taon silang nagkakaroon ng seminar/echo camp on gender issues, sexuality and prostitution. Gaganapin ito sa Mayo 18-20, 2012, Talisay Batangas. Sasagutan ko muna yung application ko. Oo, may application to at may screening din silang ginagawa, pero dahil intern kami sabi ni Ate Clydie na exempted kami sa screening pero kailangan para ring sagutan ang form. Perks of being an intern. Hahaha!

Print screen of  YSAGE application form.

Masasabi kung ito yung younger version ng CATW-AP, parehas sila ng mga pinaglalaban tulad na lang ng gender equality, anti-prostitution atbp, ang target audience nila ay syempre, ang mga kabataan lalo na ang mga kalalakihan. Bakit kamo? Yan din ang tanong ko at sinagot naman nila ako, ang sabi nila para masugpo ang karahasan at pang-aabuso sa mga kababaihan, kailangan simulan sa mga kalalakihan. Tama nga naman sila. Kaso, naiisip ko mahirap dahil iba ang kaisipan ng mga kalalakihan pero hanga ako sa kanila for taking the risk. Ayon sa mga nakaraan echo camp, naging successful sila for orienting the men and now they called themselves "changed men". 

Ano kaya mangyayari sa camp? Excited na ko! :)) 

No comments:

Post a Comment