Tuesday, April 17, 2012

Kwento sa likod ng shorts at sleeveless

BABALA: PURONG MGA SALITA ANG LAMAN NG ENTRY NA ITO. GANUN PA MAN, SUBUKAN NINYO PA RING BASAHIN

Dati-dati naman akong napapadaan sa cubao para gumala, puntahan ang isang establisyamento o kaya mag ukay-ukay. Ngunit ngayon araw na to, kakaiba yung dahilan ko kung bakit napadaan  at napatigil ako  ng matagal sa cubao ng gabi, sa overpass at sa kalsada. Siguro marami sainyo nahuhulaan na o may ideya kung ano nga bang transaksyon ang nangyayri sa mga lugar na to? Bugaw o ang tinatawag nilang gimik. Sinama kami ng Bagong Kamalayan sa kanilang weekly street visit para kausapin at kamustahin over a cup of coffee and pandesal ang mga babaeng ito. Sa ngayon kasi, may hawak kaming kaso laban sa mga pulis ng station 7 sa cubao. May nahuling 27 women dahil sa bagansya at nakalaya dahil sa tulong ng CATW-AP at BK pero, kinausahan naman sila ng mga pulis ng perjury. Kailangan makuha ng mga meyiembro ng BK ang mga signatures ng 27 women para sa pro-bono legal assistance. Sa pagkakatanda ko may 15 o 16 signatures pa ang kailangan na makuha. 

Sa pagsama namin ni Erin (bagong intern. yay!) sa street visit na to ang dami namang kwentong natuklasan. Ito yung mga kwento ng mga babaeing gumigimik sa gabi sa kahabaan ng cubao. Akala siguro ng marami gusto nila ang ganitong gawin pero sasabihin ko sainyo, HINDI. Hindi nila ginustong mangyari yon sa kanila! Ang iba sa kanila, bata palang binenta na ng mga magulang sa casa, kinalakihan ang ganun kalakalan. Ginusto niya ba yon? Hindi. Ang iba naman, mga partner o ka-relasyon pa nila mismo ang nagbubugaw sa mga kinakasama nila? Nakakainis! Ang iba, naanakan ng mga costumer at pinili nila itong buhayin. Nakilala namin si Ate P (hindi ko nalang babangitin yung name niya) naanakan siya ng costumer niya at ayun...kasama niya sa kalsada ang dalawang linggong baby niya, according sa kanya wala pa rin name. Sabi ko kay Ate P, pangalanan namin Pepay (Hahaha!) eh hindi niya nagustuhan kaya Princess na lang. :) Ang cute-cute ng baby niya. Habang pinagmamasdan ko yung baby bigla kong naisip, alam kaya ng tatay nito na may anak siya? Marahil hindi na at wala na rin sigurong balak pang alamin nun tatay. Paano na lang si Baby Princess? Sa ganun din ba siya lalaki? Huwag naman sana. At sana maisip rin ni Ate P na subukan o kung kaya talaga tumigil, tumigil na sana. Meron din kaming nakausap kanina na may edad at gumigimik pa rin. Isa pang natuklasan sa cubao, kahit mga pulis bumibili ng babae minsa pa nga for free sa takot na kasuhan sila na pwedeng-pwede gawin ng mga pulis na to. At minsan pa nga, kinukuha ng mga pulis na to ang kita ng mga babae ang kapalit titimbrehan sila pag may hulihan. Bakit ganun?! Grabe silang mag power play, porket may posisyon akala mo kung sino na! Kanina ko rin nasaksihan yung actual na pagbubugaw, nakakagulat lang. Dati kasi sa TV ko lang napapanoud yun ngayon nasa harapan ko na. 

Maraming grupo ng mga kababaihan ang handang tumulong sa mga ateng nabanggit ko. Hindi lang sila pati rin ang nakakarami.May options naman sila pero tulad nga ng napagusapan namin ni Erin kanina, choice na nila yon kung titigilan ba nila ang ganun kalakaran o ipagpapatuloy na lang. Desisyon pa rin nila ang masusunod sa trabahong hindi nila ginusto (Labo!). Siguro yung option na mabawasan o mas maganda na zero prostitution eh mangyayari lang yun kung may sapat na batas, kakayahan na ipatupad ang mga ito at kayang suportahan ng gobyerno ang mga kababaihan na ito. Ang kaso ang tanong naman dito eh, nasa top priority ba ng gobyerno ang kapakanan ng mga ito? 

Bakit sa Cubao kami napadpad? Dun kasing maraming apartelle.Sabi nila Ate sa BK, kung saan maraming babae dun magtatayo ng apartelle. 

Sa tingin ko, napapatanong kayo kung anong role ng BK sa kanila? Sila yung grupo na survivor din sa ganitong kalakaran, na handang tumulong sa kanila. Binibigyan nila ito ng counselling o hinihikayat na umalis na sila sa ganun trabaho at ang challenge sa BK at sa CATW-AP ay ang sustainability ng mga ito. Kung hindi man nila makumbinsi ang mga babae na ito, nag-aabot sila ng legal assistance at training. Pinapaalam din nila yung mga karapatan nila bilng babae nawa's sa paraan na iyon malinawan sila. Pinaglalaban din nila ang Anti-prostitution bill at ang amendment o kaya pagsasawalang batas ng vagrancy act na ang mga prostituted women pa ang kakausahan na sila na ngang biktima sa ganitong sitwasyon.  

Gustuhin ko man kumuha ng mga litrato for blogging purposes hindi ko na ginawa. Hindi dahil sa takot akong manakawan pero sa dahilan may respeto ako sa kanila. Gets niyo na siguro ako noh? Basta yon. Ayoko lang. May privacy pa rin sila. Sa susunod may litrato na pero hindi pa rin sila, yung lugar na lang mismo. 

No comments:

Post a Comment