Tuesday, July 3, 2012

Last day.

Uh-oh. This is my last day of internship, and it happened on a Thursday which means a radio day for us. it was a bitter-sweet ending for me in CATW-AP. I went through something that made an impact in my life, in any aspect of  it. I'm glad I was able to spend my last day with Ate Clydie and Ate Tangkad (one of my most love person in BK). 

A very heart warming ending for me as I heard her story of being a single mother and the perks of it, whether it may be positive or negative. And being a mother is a very tough job, what more if you're single. That's why I salute them. Hands down to every single mothers. I remember answering one question in YSAGE Camp application:

Sino ang iyong hinahangaang babae at bakit?

Humahanga ako sa mga young solo mothers.  Una, sila ay bata subalit sa hindi inaasahang pagkakataon nagkaroon sila ng anak. Sila na dapat ineenjoy yung “perks”  ng kabataan pero mas pinili nilang buhayin ang kanilang anak. Sabihin natin, kulang sa aruga ng isang ama ang anak ngunit hindi naman sila nagkulang magbigay ng pagmamahal at aruga bilang isang ina, madalas sobra pa sa inaasahan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Ang iba sa kanila, pinagpapatuloy ang pag-aaral at sa huli ay nagtatagumpay. Nakakayanan nila ang mapanghusgasng mata ng lipunan dahil siya ay solo mother. Sobrang humahanga lang ako sa kanila. 


And I stand firm on what I said on the paper. :) 

As I end my internship, I would like to extend my gratitude to CATW-AP and Bagong Kamalayan. Found new stories and learnings to share with others. It might not be the best intern experience among the rest of my batch mates, at least, I'm glad that you let me be part of your team and let me see, observe and somehow  make me experience the real world. Thank you! :) 

P.S
Meet my intern buddy, my classmate, one of my devcomm babes...

We shared the same 'peek-a-boo' during our stay. :) 
Erin. :)


Ako at sila.

Meet my new found colleagues.
Sila ang aking mga nakasama during the camp. :)

 
Photo credit goes to Jerome Dulin. Thanks, bro. Energy! Energy! Energy! :)))

Kaalaman sa gitna ng kawalan.

Masasabi kong isa to' sa mga highlight ng internship ko sa CATW-AP. I learned more, met new friends  and had fun...rolled into one. It was held in Augustine Resthouse, km.69, Talisay Batanagas. Kahit na hindi ganun kagandahan yung tulugan namin (kasi my bed bug) maayos naman yung lugar. Peferct get away in the middle of nowhere.

By: Jerome Dulin

By: Jerome Dulin

 Para sakin, naging bakasyon ko na rin to. Malayo sa ingay at magulong kalsada na kung saan araw-araw ko nararanasan. Sa unang araw namin, halos lahat kami hindi magkakilala kaya nagkakahiyaan pa pero after nun ice breaker okay na. Wala ng shy effect. Bawat session namin ay talagang napaka enriching and intercative. Lahat ng gawin namin may dahilan at may katuturan.

Sa entry na ito, ihi-highlight ko ang mga nagustuhan kong sessions.


Isa mga paborito kong activities sa buong camp ay Sa unang araw namin sa camp, ako'y napaisip at may nadiskubre sa sarili. Pinag-drawing kami ng facilitator namin ng isang mukha at isulat kung anu-ano ang likes and dislikes mo. Bigla akong napaisip kung ano nga ba mga bagay na ayaw at gusto. Kahit simpleng bagay yon, alam ko na parte na yon ng pagka-tao ko.

Sample:


Ears: gusto ko naririning yung mga continuous laugh ng mga babies: ayokong sinisigawan ako
Eyes: gusto ko nakikita God.s creation such as trees and fishes; ayokong nakakakita ng street children at yung mga matatandang nagtintinda sa kalye, sa dahilang hindi na deserve na nandoon sila. 
Nose: gusto ko yung amoy ng bagong labang dami na naarawan: ayokong makaamoy ng mga nababulok na basura
Mouth: gusto ko yung taste ng chocolates, seafoods; ayoko ng taste ng purong tea (milk tea pwede pa)

Ila lang to sa mga bagay na naisulat ko. Sayang nga lang hindi nakuhaan ng picture yung gawa ko, pang artist na artist ang drawing ko, akala niyo ba! Hahahah :D

Isa sa mga gusto kong session, noong ipapakilala na namin ang team ng bawat isa. Para sa mga kalakihan, tinawag nila ang kanilag team na Jean Valjean ng Les Misetables. At kami, si Pocahontas. Bawat team kailangan gumawa ng presentation, nag tableau ang kalalakihan at kinanta naman ng mga kababaihan ng OST ng Pocahontas na colors of the wind with special participation of..yours truly doing an interpretative dance. Lumabas ang pagka-sining ko dito.  Hahaha!

Isa sa mga amzaballs na session sa camp is yung HERSTORY. Looking back to the Philippines history. Dito, kinuwento ng aming mga facilitator yung mga kababaihan na lumalaban para sa ating kalayaan na hindi nabibigyan pansin ng ating mga kababayan. Mabibilang sa kamay natin ang mga kakilala natin Pilipinang bayani tulad ni Gabriella Silang at Tandang Sora but in line with history facts more than 5 ang ating women heroes tulad na lamang nila Teresa Magbanua ng western Visayas, Agueda Kahabagan  at Agueda Esteban ng southern luzon at bicol. Lahta sila may kanya-kanyang kwento at paghihirap para sa kalayaan ng Pilipinas na masarap pakinggan at balik-balikan. Sana lamang nabibigayn pansin sila sa ating mga textbooks at iba pang communication channels. It's about time we learned our HERSTORY. Sobrang information overload ang nagyari sakin during this session.

Meron din fun side ang camp na ito. Dito, may games kaming ginawa at showtime ng talents. Ang price ay walang kamatang flat tops. Ang saya lang! :))

By: Jerome Dulin

Ang hindi ko rin makakalimutan na session sa camp ay noon pinagawa kami ng pledge to help promote gender equality on our little ways.

 I remembered I wrote the following:
~I will share my knowledge and experience to my friends regarding the issue
~Be critical and sensitive with others
~And i will not be a submissive partner in the future

Kung sa tingin ng iba napaka-shallow at gasgas na ng pledge ko, pero para sakin...this is my way.

We also had our graduation sa camp. At sabi nga nila sa bawat pagtatapos ay panibagong simula at daang tatahakin tungo sa isang bagay na gusto namin makamit. Para samin natapos, isa lang ang aming gusto maranasan at makamait...ang pagkakapantay-pantay ng babae, lalaki, bakla at lesbian.

YSAGE 2012.
By: Jerome Dulin
Pocahontas team.
By: Jerome Dulin
GRADUATION. By: Jerome Dulin

Masaya ako at naging parte ako ng camp na ito. Mas marami akong natutunan at naranasan. Maraming salamat sa lahat ng nakasama ko sa 2nd NCR YSAGE ECHO CAMP! Hanggang sa muli. :)))

Monday, July 2, 2012

Application for YSAGE 2nd NCR ECHO CAMP 2012

LATE POST!


Akala ko sa buong stay ko as intern ay in-house lang ako, pero hindi pala. Meron kasi silang isang youth organization, na kug tawagan ay YSAGE- Youth and Students Advancing Gender Equality na under din ng CATW-AP. Taun-taon silang nagkakaroon ng seminar/echo camp on gender issues, sexuality and prostitution. Gaganapin ito sa Mayo 18-20, 2012, Talisay Batangas. Sasagutan ko muna yung application ko. Oo, may application to at may screening din silang ginagawa, pero dahil intern kami sabi ni Ate Clydie na exempted kami sa screening pero kailangan para ring sagutan ang form. Perks of being an intern. Hahaha!

Print screen of  YSAGE application form.

Masasabi kung ito yung younger version ng CATW-AP, parehas sila ng mga pinaglalaban tulad na lang ng gender equality, anti-prostitution atbp, ang target audience nila ay syempre, ang mga kabataan lalo na ang mga kalalakihan. Bakit kamo? Yan din ang tanong ko at sinagot naman nila ako, ang sabi nila para masugpo ang karahasan at pang-aabuso sa mga kababaihan, kailangan simulan sa mga kalalakihan. Tama nga naman sila. Kaso, naiisip ko mahirap dahil iba ang kaisipan ng mga kalalakihan pero hanga ako sa kanila for taking the risk. Ayon sa mga nakaraan echo camp, naging successful sila for orienting the men and now they called themselves "changed men". 

Ano kaya mangyayari sa camp? Excited na ko! :)) 

Tuesday, April 17, 2012

Kwento sa likod ng shorts at sleeveless

BABALA: PURONG MGA SALITA ANG LAMAN NG ENTRY NA ITO. GANUN PA MAN, SUBUKAN NINYO PA RING BASAHIN

Dati-dati naman akong napapadaan sa cubao para gumala, puntahan ang isang establisyamento o kaya mag ukay-ukay. Ngunit ngayon araw na to, kakaiba yung dahilan ko kung bakit napadaan  at napatigil ako  ng matagal sa cubao ng gabi, sa overpass at sa kalsada. Siguro marami sainyo nahuhulaan na o may ideya kung ano nga bang transaksyon ang nangyayri sa mga lugar na to? Bugaw o ang tinatawag nilang gimik. Sinama kami ng Bagong Kamalayan sa kanilang weekly street visit para kausapin at kamustahin over a cup of coffee and pandesal ang mga babaeng ito. Sa ngayon kasi, may hawak kaming kaso laban sa mga pulis ng station 7 sa cubao. May nahuling 27 women dahil sa bagansya at nakalaya dahil sa tulong ng CATW-AP at BK pero, kinausahan naman sila ng mga pulis ng perjury. Kailangan makuha ng mga meyiembro ng BK ang mga signatures ng 27 women para sa pro-bono legal assistance. Sa pagkakatanda ko may 15 o 16 signatures pa ang kailangan na makuha. 

Sa pagsama namin ni Erin (bagong intern. yay!) sa street visit na to ang dami namang kwentong natuklasan. Ito yung mga kwento ng mga babaeing gumigimik sa gabi sa kahabaan ng cubao. Akala siguro ng marami gusto nila ang ganitong gawin pero sasabihin ko sainyo, HINDI. Hindi nila ginustong mangyari yon sa kanila! Ang iba sa kanila, bata palang binenta na ng mga magulang sa casa, kinalakihan ang ganun kalakalan. Ginusto niya ba yon? Hindi. Ang iba naman, mga partner o ka-relasyon pa nila mismo ang nagbubugaw sa mga kinakasama nila? Nakakainis! Ang iba, naanakan ng mga costumer at pinili nila itong buhayin. Nakilala namin si Ate P (hindi ko nalang babangitin yung name niya) naanakan siya ng costumer niya at ayun...kasama niya sa kalsada ang dalawang linggong baby niya, according sa kanya wala pa rin name. Sabi ko kay Ate P, pangalanan namin Pepay (Hahaha!) eh hindi niya nagustuhan kaya Princess na lang. :) Ang cute-cute ng baby niya. Habang pinagmamasdan ko yung baby bigla kong naisip, alam kaya ng tatay nito na may anak siya? Marahil hindi na at wala na rin sigurong balak pang alamin nun tatay. Paano na lang si Baby Princess? Sa ganun din ba siya lalaki? Huwag naman sana. At sana maisip rin ni Ate P na subukan o kung kaya talaga tumigil, tumigil na sana. Meron din kaming nakausap kanina na may edad at gumigimik pa rin. Isa pang natuklasan sa cubao, kahit mga pulis bumibili ng babae minsa pa nga for free sa takot na kasuhan sila na pwedeng-pwede gawin ng mga pulis na to. At minsan pa nga, kinukuha ng mga pulis na to ang kita ng mga babae ang kapalit titimbrehan sila pag may hulihan. Bakit ganun?! Grabe silang mag power play, porket may posisyon akala mo kung sino na! Kanina ko rin nasaksihan yung actual na pagbubugaw, nakakagulat lang. Dati kasi sa TV ko lang napapanoud yun ngayon nasa harapan ko na. 

Maraming grupo ng mga kababaihan ang handang tumulong sa mga ateng nabanggit ko. Hindi lang sila pati rin ang nakakarami.May options naman sila pero tulad nga ng napagusapan namin ni Erin kanina, choice na nila yon kung titigilan ba nila ang ganun kalakaran o ipagpapatuloy na lang. Desisyon pa rin nila ang masusunod sa trabahong hindi nila ginusto (Labo!). Siguro yung option na mabawasan o mas maganda na zero prostitution eh mangyayari lang yun kung may sapat na batas, kakayahan na ipatupad ang mga ito at kayang suportahan ng gobyerno ang mga kababaihan na ito. Ang kaso ang tanong naman dito eh, nasa top priority ba ng gobyerno ang kapakanan ng mga ito? 

Bakit sa Cubao kami napadpad? Dun kasing maraming apartelle.Sabi nila Ate sa BK, kung saan maraming babae dun magtatayo ng apartelle. 

Sa tingin ko, napapatanong kayo kung anong role ng BK sa kanila? Sila yung grupo na survivor din sa ganitong kalakaran, na handang tumulong sa kanila. Binibigyan nila ito ng counselling o hinihikayat na umalis na sila sa ganun trabaho at ang challenge sa BK at sa CATW-AP ay ang sustainability ng mga ito. Kung hindi man nila makumbinsi ang mga babae na ito, nag-aabot sila ng legal assistance at training. Pinapaalam din nila yung mga karapatan nila bilng babae nawa's sa paraan na iyon malinawan sila. Pinaglalaban din nila ang Anti-prostitution bill at ang amendment o kaya pagsasawalang batas ng vagrancy act na ang mga prostituted women pa ang kakausahan na sila na ngang biktima sa ganitong sitwasyon.  

Gustuhin ko man kumuha ng mga litrato for blogging purposes hindi ko na ginawa. Hindi dahil sa takot akong manakawan pero sa dahilan may respeto ako sa kanila. Gets niyo na siguro ako noh? Basta yon. Ayoko lang. May privacy pa rin sila. Sa susunod may litrato na pero hindi pa rin sila, yung lugar na lang mismo. 

Monday, April 16, 2012

On Air

This is the day!

April 12, 2012, 10:35pm.
My first on-air job with Ate Clydie and Mr.Froilan Grate, president of Mother Earth Foundation.
Operation tulong: Aksyon Kababaihan.
TOPIC: Importance of zero waste management and its relation to climate change.


AD ON THE EPISODE:
“Walang Aksaya! Zero Waste.” We have been witnessing increased occurrence of landslides and floods in the country in the recent years, decreased agricultural productivity, among
others, resulting from climate change. Let’s find out tonight about the connection between climate change and waste management from Mr. Froilan Grate, President of Mother Earth Foundation. He will share, too, on women’s stakes in the zero waste management movement. Tune in to DZRH, 666 KHz on your AM Band, at 10:30 tonight or watch us on livecast at www.catw-ap.org. (Photo Source:http://kwistine.deviantart.com/art/Inang-Kalikasan-138182920)

I was really overwhelmed with the opportunity given to me. I'm not really good at this one but hey, i tried my best. :) Isa to sa mga panagrap ko, mag-anchor o mag-host pero sa radio para tago ang mukha. Hahaha! Hindi lang sa anchor opputunity ako overwhelmed, pati rin sa mga information na nakuha at natutunan ko from Mr.Froilan. Ipa-paraphase ko na yung isang niyang statement na: kahit sunugin o ilagay sa landfills ang mga basura hindi naman talaga to tuluyang nawawala, nagbabago lang ng anyo. According to Mr.Froilan, hindi naman marunong gumanti si Inang Kalikasan. 


Photo credits to Clydie Pasia
Photo credits to Clydie Pasia
Photo credits to Clydie Pasia

Sayang lang kasi hindi napalabsa sa DZRH live cast yubg show namin dahil kasabay namin ang Aliwan. Maybe next week.

Please tune in to kHz 666 on your AM Band or watch us on livecast at www.catw-ap.org.

The first walk.

After that 'oasis moment' with the Ates, Ms.Jean Enriquez, my boss came in, together with Ate Clydie -she's also an officer of CATW-AP. We had an orientation about the organization and the work that I will be doing. Again, ang dami ko na naman natutunan sa usapan na yan (Information overload!). Hindi ko na iisa-isahin. :)

My first walk...
They have a radio program at DZRH every Thursday night, from 10:30 to 11:00 o'clock pm. I guess alam niyo na ang una kong task? I need to make a script and formulate questions. Akala ko magtra-trabaho lang ako sa likod pero hindi, I was given the tasked to co-anchor with ate Clydie on the show during my stay! Radio production all over again. :) I was glad that I learned so much from my radio prod professor and class, (Hi, Ms.F) from writing the script and the like. Our topic for the program is about waste management in relation with climate change and the stake of women. There is a big BUT... I thought I was doing it well however, I thought the other way around. Some of my questions need to be revised and I would not beat around the bush anymore, I was a bit disappointed at myself. Cause I thought I was doing it right. Ayun... But, I didn't let it affect me from achieving what I need to achieved and learning what I need to learned. Naisip ko na lang, it's only just the beginning. and maybe...maybe... hindi lang kami pareho ng naiisip? I don't know.  But I know it will teach me to do better next time. Hope, next week, it will be all good. I don't mind having it revised but you know...the feeling. I, therefore conclude, we all have a different perspective. 

Just to clarify  one thing: I don't hate my boss for doing that. I like her, she's great! :) Amaaaazziiiiiiinnngggg! 


Sorry for the blurry picture :)


Starting line...


 My long journey of walking and running is finally starting (April 11, 2012)... the beginning of my internship. Why I call it a long journey? Well, every juniors whose incoming seniors this school year are all required to finished a 200 hundred hours on-the-job-training. This is our ticket for this tournament to reached our final trophy, our diplomas. Fortunately, it's not the end. More marathons would deluge me in the near future. Let's call these a warm-up exercise for the real battle. :)

(Photo credits to www.shutterstock.com)


My walk is finally starting... it's my first day of internship and I don't really know what to expect. I arrived 5 or 10 minutes before my expected time (I know I should be 30 or 20 mins earlier. but hey, I came first before my boss. Hehehe). 
I'm going to start off with one of the highlights of my day: 
When I was already inside our office and waiting for my lady boss to arrived, I had a little chat with other staff of CATW-AP-Coalition Against Trafficking in Women-Asia Pacific. There are three women who greeted me with a smile and started introducing themselves "Hi! Ako si Gie. Survivor" then, it hits me, only with that simple greetings and short chit-chat, most of the people inside the office whom I'll be working with are survivor/victims of any form of sexual exploitation. Right then and there, I told myself these women are strong and brave! I salute them! With that simple greetings they made,not just only the greetings but the aura they possessed, I respect them even more.If you questioned me why? Because, I have a knowledge on how women are exploited and how traumatizing it can be and yet, here they are... raising and starting to create a new journey of their lives, with hope and courage, with knowing their rights and with respect with themselves. I also came to know the works that they are doing. They are under a group called Bagong Kamalayan-survivors of prostitution and the likes helping  prostituted women or victim of any form of exploitation to have a new life, to start anew. They are helping to save their lives for further exploitation. (Bagong Kalamayan is a member of the coalition. Their office and ours are in the same room).  What else if I heard their stories? There stories from the start until where they are now? It simply amazes me! Being with them for a short while, it teaches me to be more sensitive and the 'think-before-you-speak' attitude. 


P.S 
As I talk with them I learned that these women  know more laws than I do. Do you know the vagrancy act? the vawcy act?  the anti-divorce bill? the anti-prostitution bill?They do. And as I woman, I , we must hold a grasp of these laws and our RIGHTS AS A WOMAN.