Masasabi kong isa to' sa mga highlight ng internship ko sa CATW-AP. I learned more, met new friends and had fun...rolled into one. It was held in Augustine Resthouse, km.69, Talisay Batanagas. Kahit na hindi ganun kagandahan yung tulugan namin (kasi my bed bug) maayos naman yung lugar. Peferct get away in the middle of nowhere.
 |
By: Jerome Dulin |
 |
By: Jerome Dulin |
Para sakin, naging bakasyon ko na rin to. Malayo sa ingay at magulong kalsada na kung saan araw-araw ko nararanasan. Sa unang araw namin, halos lahat kami hindi magkakilala kaya nagkakahiyaan pa pero after nun ice breaker okay na. Wala ng shy effect. Bawat session namin ay talagang napaka enriching and intercative. Lahat ng gawin namin may dahilan at may katuturan.
Sa entry na ito, ihi-highlight ko ang mga nagustuhan kong sessions.
Isa mga paborito kong activities sa buong camp ay Sa unang araw namin sa camp, ako'y napaisip at may nadiskubre sa sarili. Pinag-drawing kami ng facilitator namin ng isang mukha at isulat kung anu-ano ang likes and dislikes mo. Bigla akong napaisip kung ano nga ba mga bagay na ayaw at gusto. Kahit simpleng bagay yon, alam ko na parte na yon ng pagka-tao ko.
Sample:
Ears: gusto ko naririning yung mga continuous laugh ng mga babies: ayokong sinisigawan ako
Eyes: gusto ko nakikita God.s creation such as trees and fishes; ayokong nakakakita ng street children at yung mga matatandang nagtintinda sa kalye, sa dahilang hindi na deserve na nandoon sila.
Nose: gusto ko yung amoy ng bagong labang dami na naarawan: ayokong makaamoy ng mga nababulok na basura
Mouth: gusto ko yung taste ng chocolates, seafoods; ayoko ng taste ng purong tea (milk tea pwede pa)
Ila lang to sa mga bagay na naisulat ko. Sayang nga lang hindi nakuhaan ng picture yung gawa ko, pang artist na artist ang drawing ko, akala niyo ba! Hahahah :D
Isa sa mga gusto kong session, noong ipapakilala na namin ang team ng bawat isa. Para sa mga kalakihan, tinawag nila ang kanilag team na Jean Valjean ng Les Misetables. At kami, si Pocahontas. Bawat team kailangan gumawa ng presentation, nag tableau ang kalalakihan at kinanta naman ng mga kababaihan ng OST ng Pocahontas na colors of the wind with special participation of..yours truly doing an interpretative dance. Lumabas ang pagka-sining ko dito. Hahaha!
Isa sa mga amzaballs na session sa camp is yung HERSTORY. Looking back to the Philippines history. Dito, kinuwento ng aming mga facilitator yung mga kababaihan na lumalaban para sa ating kalayaan na hindi nabibigyan pansin ng ating mga kababayan. Mabibilang sa kamay natin ang mga kakilala natin Pilipinang bayani tulad ni Gabriella Silang at Tandang Sora but in line with history facts more than 5 ang ating women heroes tulad na lamang nila Teresa Magbanua ng western Visayas, Agueda Kahabagan at Agueda Esteban ng southern luzon at bicol. Lahta sila may kanya-kanyang kwento at paghihirap para sa kalayaan ng Pilipinas na masarap pakinggan at balik-balikan. Sana lamang nabibigayn pansin sila sa ating mga textbooks at iba pang communication channels. It's about time we learned our HERSTORY. Sobrang information overload ang nagyari sakin during this session.
Meron din fun side ang camp na ito. Dito, may games kaming ginawa at showtime ng talents. Ang price ay walang kamatang flat tops. Ang saya lang! :))
 |
By: Jerome Dulin |
Ang hindi ko rin makakalimutan na session sa camp ay noon pinagawa kami ng pledge to help promote gender equality on our little ways.
I remembered I wrote the following:
~I will share my knowledge and experience to my friends regarding the issue
~Be critical and sensitive with others
~And i will not be a submissive partner in the future
Kung sa tingin ng iba napaka-shallow at gasgas na ng pledge ko, pero para sakin...this is my way.
We also had our graduation sa camp. At sabi nga nila sa bawat pagtatapos ay panibagong simula at daang tatahakin tungo sa isang bagay na gusto namin makamit. Para samin natapos, isa lang ang aming gusto maranasan at makamait...ang pagkakapantay-pantay ng babae, lalaki, bakla at lesbian.
 |
YSAGE 2012. By: Jerome Dulin |
 |
Pocahontas team. By: Jerome Dulin |
 |
GRADUATION. By: Jerome Dulin |
Masaya ako at naging parte ako ng camp na ito. Mas marami akong natutunan at naranasan. Maraming salamat sa lahat ng nakasama ko sa 2nd NCR YSAGE ECHO CAMP! Hanggang sa muli. :)))